Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    4 years ago
 

Friday, December 3, 2010

Intensiyon

Alam niya ang iyung pananaw ukol sa seks.  Walang bahid ng emosyon.  Walang namumuong koneksiyon.

Wala ka pang tulog dahil sa mga pangyayari kagabi.  Mainit at mapusok ang mga nilalang sa maliit na ispasyo ng apartment ninyo.  Kabi-kabila may nakalatag na pagkain at ikaw lang ang hinihintay kung alin ang susunggaban.  Ikaw man ay ilang beses din na sinubukang lamunin.  Nagpaunlak ka dahil alam mo walang mawawala sa iyo at sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Papalubog na ang araw nang ikaw ay maalimpungatan ng biglang may tumabi sa iyo sa kama na iyong hinihigaan.  Isa siya sa mga tauhan na napaligaya mo kagabi.  Naisip mo, kung anuman ang nangyari ng kayo ay nasa isipiritu ng alak, ay iyun ay balewala lamang.  Nairaos ninyo ang init ng inyong mga katawan.  Walang kahalagahan iyun dahil alam ninyo sa isa’t isa walang mabubuong pagtitinginan maliban sa dating relasyon na inyong iniingatan.  Subalit ang init ng katawan na namamagitan sa inyo ngayon ay unti-unting nagniningas upang maging isang naglalagablab na apoy.

Niyakap mo siya at siya ay isiniksik niya ang hubad niyang katawan sa iyong kahubdan.  Nandoon ang init hindi lamang ng iyung katawan kundi pati na rin ang init na nanggagaling sa iyung buntunghininga sa kanyang batok.  Umungol siya ng bahagya.  Mamaya’t maya, naramdaman mo na merong dumikit sa iyong harapan.  Hindi mo mapigilan na gumising ang natutulog mong kaangkinan  Naramdaman din ito ng iyung kayakap at siya ay umungol muli at naramdaman mo na mas lalong dumikit ang matamtambok na puwet sa naghuhumindig mong pag-aari.

Hinigpitan mo ang yakap sa kanyang katawan.  Dinidilaan mo ang kanyang batok at dulo ng kanyang tenga.  Nararamdaman mo ang kanyang pananabik.  Naririnig mo ang paungol na pagsambit sa iyong pangalan.  Nilalaro mo ang kanyang mga utong ng iyung mga daliri habang patuloy mo na hinahagod ang iyung kahabaan sa manipis niyang pang-ibaba.  Para tuluyang maramdaman ng iyung kayakap ang sukdol ng kaligayahan, iginapang mo ang iyung kamay sa kanyang tiyan at hinanap ang naghuhumindig na ari.  Hinawakan mo iyun ng madiin at pataas pababa mong nilalaro.  Lalong napaungol ang iyung kayakap.

Nang mga oras na iyun, nasa labas lamang ng kuwarto ang inyong mga kasamahan sa bahay.  Bukas din ang pinto ng kuwarto na kung saan kayo nagpapakalulong sa kaligayahan.  Kung mapapatuon lamang ang kanilang mga mata sa inyo ay siguradong makikita nila ang inyong ginagawa pero hindi ninyo ito inaalintana.  Mas pinahalagahan ninyo ang kaligayahan na idinudulot ninyo sa isa’t isa.  Walang makapagpigil sa inyo maliban sa posibleng pagpasok ng inyong mga kunsensiya na magsasabi na hindi tama ang inyong ginagawa.  Subalit, sino ang makapaghusga kung kayong dalawa mismo ay di naniniwala na kasalanan ang inyong ginagawa.

Pareho kayong may kasintahan.  Sila naman ay parehong makabago ang mga paniniwala sa isang relasyon.  Marahil ito ang isinasa-isip ninyo.  Walang mawawala.  Magkakaibigan kayo.  Malaki ang pagtitiwala ninyo sa isa’t isa.  Iyung kaganapan ba na ito ay siyang magiging dahilan ng pagwakas ng napakahalagang relasyon na namamagitan sa inyo?  Siguro mas naiintindihan ka ng kasintahan ng kayakap mo ngayon dahil sa kilala ka niya ng lubusan.  Alam niya ang iyung pananaw ukol sa seks.  Walang bahid ng emosyon.  Walang namumuong koneksiyon.

Hindi masisira ang pagtingin sa iyo ng iyung kasintahan.  Sigurado ka doon.  Pero di pa rin ninyo alam ang hangganan ng malawak na pag-iisip ng isa’t isa dahil lahat ng paniniwala ay naaayon sa kondisyon ng mga pangyayari.  Hindi kaya na ang pangyayaring nagaganap ngayon sa inyo ay siyang hangganan na iyun?  Kung ganoon na nga, ano ang iisipin niya sa kasintahan niya?  Sa iyo?

1 comments:

wanderingcommuter said...

dapat... wala!

kasi kahit walang sinasabi, kapwa naging malinaw sa inyong dalawa ang lahat.

kung lilihis ng pananaw o damdamin ang isa, talo siya. kung ikaw, talo ka, kung pareho kayong dalawa, talo ang mga kasintahan niyo and in the long run talo din kayo, dahil sa tsansang maulit din ang lahat ng ito.

:)

 

Labels

Followers