Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    12 years ago
 
Showing posts with label EccenTRIP. Show all posts
Showing posts with label EccenTRIP. Show all posts

Thursday, February 2, 2012

My Note

I nicknamed him “Noti”, with all the pun intended. This is the first time I christened an inanimate object for the sole reason that it is dear to me, “dear” in the sense that it is the most expensive gadget I ever had so far. With 32,000 bucks, I could have upgraded my LCD TV to LED or I could have bought a tablet or I could just put the money into our “paluwagan”, but I decided to choose this one. Well, regrets are for losers. Sour grapes?

Read more ...

Wednesday, August 3, 2011

Samsung Customer Service

My Samsung GT-8500 comes to life again for the second time. Thanks to my own initiative and my housemate’s because if not on my belief that I could resurrect my phone, I would have abandoned it if not made it the most expensive paper weight in the world. However, I would not let the Samsung customer service escape my indignation on how they nearly duped me of my hard-earned money.

Read more ...

Thursday, June 23, 2011

Protect Yourself

kaninang umaga meron akong kakaibang napansin sa bus stop sa may buendia. nang ibinaba na ng bus na sinasakyan namin ang kanyang pasahero, kapansin-pansin ang pag-akyat ng ilang kalalakihan. mabuti sana kung sabay sabay nagsi-akyatan ito pero hindi. sa kahabaan ng bus stop, isa-isa silang nagpapara at umakyat. mayat maya lang napansin ko ang konduktor na tumabi sa driver.

tuloy lang ...

Friday, April 8, 2011

True Beauty

meron kaming napapanood na reality tv show ngayon sa velvet channel, iyun ay ang "true beauty". siyempre sa title pa lang malalaman mo na kung ano ang mai-expect sa mga kontestant. kelangan magaganda at makikisig sila. ang "makisig" ba ibig sabihin ay guwapo? well, basta guwapa at guwapo mga kontestant doon. hehehe. kaso may twist ang show. hindi lang outer beauty ang hinuhusgahan pero pati na rin ang inner beauty.

tuloy lang ...

Friday, March 25, 2011

Halo-halo: Tae at Ayala

free writing na lang ulit. wala kasi akong maisip na magandang topic para maisulat dito sa eccentrip blog ko. siguro kasi wala naman talaga akong kaweirdohan na naiisip. kahapon nga balak kong magsulat tungkol sa tae at yosi. paano naman kasi pumasok ako sa aming cr dito sa trabaho at merong umi-ebs. umi-ebs na nga, nagyoyosi pa. naiisip ko mas ok pa sa akin ang amoy ng tae kesa sa amoy ng yosi. kaso di ko naman naisulat dahil kapag naisulat ko baka sabihin naman ng mga kaibigan ko na nagyoyosi na mas gusto ko silang umi-ebak na lang lagi kesa nagyoyosi sila. mawawalan pa ako ng kaibigan. pero teka, bakit ko sinusulat ngayon? wala din. peace tayo mga nagyoyosing kaibigan. alam ko naman di kayo nagyoyosi sa harap ko kasi mga responsableng maninigarilyo kayo. :)

tuloy lang ...

Thursday, January 27, 2011

Alerto 24 Oras

sa nangyari noong nakaraang martes, iyung pangbobomba sa isang bus, marami na naman sa atin ang nakared-alert. siyempre naman dahil ayaw natin maulit ang nangyari. ito ang dahilan kung bakit nagsisilabasan ang mga hakbang o tips para maiwasan ang mga ganitong pangyayari galing sa mga "eksperto". malaking tulong din ito para sa mga ordinaryong mamamayan na gumagamit ng bus sa kanilang pangaraw-araw na transportasyon.

Read more ...

Thursday, January 20, 2011

Kenny

natatangi daw ako sa (halos) lahat ng ilonggo dahil ako lang daw ang hindi malambing. wala daw akong ka-sweet sweet sa katawan. kahit daw magsalita ako, masyadong matapang at masungit. pero di ako naniniwala sa kanila dahil ang alam ko malambing ako. di lang nila alam iyun. hehehe

Read more ...

Monday, January 10, 2011

CAMSUR: CWC and back to Manila

tatapusin ko na itong camsur series at marami pa akong isusulat. sayang at baka mawala pa ang momentum. umpisa pa lang ng taon at medyo di pa nakapag-distribute ng mga assigned projects kaya binabalak ko na araw-araw mag post. di na ako masyado magkukuwento tungkol sa better than average learning curve ko sa wakeboarding. naikuwento ko na rin kasi doon sa hyperactive trip ko eh. iyung mga nakakatuwang at di makalimutan na experiences na lang. hehehe

Read more ...

Tuesday, January 4, 2011

CAMSUR: Caramoan

ang caramoan ay hindi isla na una kung inakala. para lang siyang laiya sa batangas at ang kaibahan lang ay bangka ang pinakainam na sasakyan para ito ay puntahan dahil hindi maganda ang daanan papunta sa dinadayong atraksiyon nito. kaya ng makita ko ang pier inisip ko kaagad na di pa tapos ang biyahe namin.

Read more ...

Thursday, December 23, 2010

CAMSUR: to Caramoan

nauna ngang nagising ang mga babae. nagising na din ako kaso ayoko pang bumangon. gusto ko pa din matulog kaso mahirap dahil naririnig ko ang kaluskos at bulungan nila. di rin ako nakatulog ng maayos dahil nagkaroon ng concert ang mga pagod sa biyahe. ilang oras na din naman at kelangan na namin pumunta sa terminal. malapit lang din daw iyun sa sm.

Read more ...

Wednesday, December 22, 2010

CAMSUR: Naga

luma pala ang airport sa naga hindi tulad sa amin na bago na. inaasahan ko na bago na ito dahil sa nagiging tourist destination na ang camsur pero di pa pala. pero ok lang, di naman requirement iyan para puntahan ko ang isang lugar. ang importante maayos ang sistema nila at kumpleto sa security measures. kaya lang kelangan na pagtuunan pansin ng local government ang kanilang airport dahil ito ang unang bumabati o sumasalubong sa mga bisita. teka, di pala tungkol sa airport ang entry na to.

Read more ...

Thursday, December 9, 2010

CAMSUR: Flight

ihing-ihi na ako pero di ako makatayo dahil naka-ilaw pa rin ang seatbelt indicator. dapat nakalipad na ang eroplano fifteen minutes ago kaso kinakabahan pa yata dahil umuulan sa dadaanan naming himpapawid. pero naman, tumatayo na ang balahibo ko pati sa ulo dahil sa kumbinasyong lamig ng eroplano at ng likido na gustong gusto ng kumawala sa aking bladder (di ko alam ang ingles niyan). inabala ko na lang ang aking sarili sa paglalaro ng reversi sa aking wave para lang di ko maramdaman ang discomfort.

Read more ...

Monday, December 6, 2010

CAMSUR: Airport

nang makita ako ni kenny papunta sa boarding pass counter na kung saan sila na ang ini-entertain ng ground stewardess, agad niya akong sinalubong. tinanong niya ako ng aking apelyido dahil kelangan daw sa confirmation ng credit card na ginamit sa pagbili ng tiket nila. ibinigay ko naman ang napakahalagang impormasyon na yun.  di bale, alam ko na rin naman iyung sa kanya kaya quits lang. hirap talaga pag sa cyberspace kayo unang nagkakakilala.  hindi lahat ng personal na impormasyon, inilalahad agad. bumalik si kenny sa counter habang kami naman ay pumunta sa pilahan.

Read more ...

Thursday, December 2, 2010

CAMSUR: Pre-departure

last week, pumunta kami sa camsur. matagal na ito naka-iskedyul. september pa lang nakapag-book na kami sa airphilexpress. mabuti na lang may nakuha pa kaming promo rate kaya 2,400k lang ang roundtrip. november 26 kami umalis at nakabalik naman kami ng maynila ng november 30. bale dalawang araw lang ang leave namin kasi iyung 29 na-declare na walang pasok.

Read more ...

Monday, October 18, 2010

Overstaying

dalawang magkasunod na gabi ng biyernes at sabado nagkaroon ng inuman sa bahay. noong biyernes kami-kami lang na mag-housemates ang nag-inuman pero noong sabado,  may inimbita na dalawang bisita ang aming bagong housemate.  mga bagong kakilala na galing sa isang online community.  walang problema ang inuman pero nagkaroon ng dilemma ng papalapit na ang kinaumagahan dahil sa wala yatang balak umuwi ang mga bagong mukha.

Read more ...

Thursday, September 23, 2010

Kamote

naalala ko na naman ang header image na gamit ko dito dati sa eccenTRIP? nawala na kasi ang host ng image na iyun at wala na akong kopya sa computer ko kaya wala na akong header ngayon. pero naalala ko na ang ginamit ko na header ay isang puno na namumunga ng pagkain. hindi iyung bunga ng puno mismo kundi mga pagkain tulad ng gulay, iba't ibang klase ng prutas, manok, isda, etc. ang caption doon kung maala ako pa ay "sana ang lahat ng puno ay namumunga ng pagkain. sana walang nagugutom ngayon."

Read more ...

Wednesday, September 15, 2010

Multiple Choice

nakikinig ako kanina sa programa ni del at chico habang papunta ng office ng tumawag sa aking pansin ang isa sa mga "dear ..." sender nila. sabi doon, "sana sa multiple choice na test questions, meron ding 'any of the above'". medyo napangiti na lang ako. naisip ko, ganoon na ba kahirap ang multiple choice na klase ng pagsusuri?

Read more ...

Tuesday, September 7, 2010

Daku-daku

dugay na ako nga indi naka-post diri sa akon nga blog sa eccentrip kag ang kalamhitan sini kay sa akon nga pagbalik ay sa ilonggo ko pa ginasulat ini. pasensiya guid kaayo kay man may iya ako nga ginaobra subong nga kinahanglan ko nga mag-isip sa amon nga kaugalingon nga hambal.

Read more ...
 


Labels


Followers