Allegory of the Rabbit Snake
Honesty is the best policy if served at the right time.
“Master, talk to us about honesty.” He asked. “I could not talk about honesty my young apprentice. ” I replied. “But why master? Men who have met you admire your forthrightness. Sure it does not insult but rather enlightens.” He insisted. “My apprentice, not everyone that hears listens.” I calmly said. “But master…”
“Putik, sabi ko na nga ba di ka nakikinig eh. Lumapit ka pa ng kaunti dito sa tabi ko para ibulong ko na lang sa iyo.” Nang maupo siya sa tabi ko, ibinulong ko sa kanya iyung rason kung bakit ayokong magsalita ukol sa “honesty”. “But master...” Anak ng teteng! “Sige na nga. Pero binabalaan kita. Hindi lahat ng sasabihin ko ay puwede sa lahat.” Dumikit pa lalo ang kumag sa akin at bumulong, “Master, puwede dito na lang ako sa tabi mo?” “Hoy, master mo ako! Lumalandi ka na naman!”
“Huwag kang matulog habang nagkukuwento ako! At ang kamay, no touch!” Dapat dinidiretso ko talaga ang apprentice ko na ito. Masyado na kasing ginagaya ako sa aking kalandian. Susko, pero tamang-tama ang pag-uusapan namin ngayon kasi lately may nagsabi sa akin na “Zuma” daw ako. “Master, ano ang Zuma?” Maagap si apprentice, nakikinig. Hindi siya “ano”, kundi “sino. Tumahimik ka na at sisimulan ko na ang kuwento.”
Isang araw, merong dalawang kuneho ang nagkita. Magkaibigan sila. Alam nila ang mga nangyayari sa buhay nila. Walang silang tinatago sa isa’t isa. Tuwing nagkikita sila puro kalibugan ang kanilang pinag-uusapan. Natural na sa kanila iyun kahit na meron silang partner. Habang sila ay nag-uusap, sinabi noong isa, “May sasabihin ako sa iyo. Di ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo pero karapat dapat na sasabihin ko sa iyo ito ngayon.” “Ano iyun? “ Tanong ng kaibigan. “Nag-sex kami ng partner mo.” Pag-aamin ng isa. “Kelan? Paano?”
Ikinuwento ng isa iyung buong detalye ng pangyayari. Sinabi niya na bago nila ginawa iyun, tinanong ng isa iyung partner kung ready ba siya na harapin ang consequences ng kanilang gagawin, na hindi niya pagsisisihan ito. Nang malaman na nakahanda iyung partner, dito natupad kung ano mang pagnanasa ang namamagitan sa dalawa. Nang matapos ang pagkukuwento inantay ng isa na magalit ang kaibigan. Tumingin lamang ito sa kanya at sinabing, “Ahas. Isa kang sawa. Napakalaking sawa. Hindi ka lang pala kuneho, ahas ka pa.” Nagkaroon ng mahabang katahimikan.
“Ok lang. Wala na naman kami ngayon eh. At sinabi mo nga, nangyari iyun ng panahon na parati na kaming nag-aaway, na halos hiwalay na rin kami noon. Di bale, at least mabilis na ako makahanap ng kapalit. Marami kaya diyan.” Nakangiti siya ng sinabi niya iyun. Nang makita ng isa ang reaksiyon ng kaibigan, nag-attempt siya na magbiro, “Ipakilala mo ba sa akin ang magiging partner mo?” Lumaki ang mga mata at tumayo ang mga tenga ng kaibigan niya, “HINDI! Isa kang ahas, malaking sawa!” sabay tumawa ng malakas. At sumabay na rin ng tawa ang isa.
“Master, ganoon lang? Di man lang niya kinagat iyung ahas este iyung kaibigan niya?” Tanong ni apprentice. “Hindi eh. Siguro nakita niya na insignificant na sa kanya ang magalit dahil sa mga sitwasyon. Siguro nagalit din siya sa loob-loob niya pero ano pa ba ang magawa niya. Nangyari na iyun. Siguro di na siya nagalit dahil nakatulong sa kanya iyung katotohanan kahit pa man masakit iyun. Wise din kasi iyung isa dahil nasa timing siya ng sinabi niya ang totoo. Minsan kasi hindi sa lahat ng panahon, nakakabuti ang pagiging honest.” Sabi ko. “Master, ibig sabihin pala honesty is not always the best policy?” Tanong niya ulit. “My young apprentice, honesty is the best policy if served at the right time.”
“Master, bakit kaya nila ginawa iyun? Bakit ba malilibog ang mga kuneho?” Tanong niya ulit. “Kasi likas na malilibog ang mga kuneho. Minsan kailangan mo i-consider ang true nature ng mga bagay para maintindihan.” Sagot ko ulit. “Master...” Sabay hawak sa aking hita. “Putik ka! Ang kamay! Ano na naman iyun? Tapos na ang kuwento!” Bumuntunghininga muna siya at, “Master... isang tanong na lang. Ano pala iyung kuneho?”
“WAPAKKKK”
5 comments:
panalo ang last question hahaha
pero panalo din ang moral of the story hehehe
hahaha. nag-enjoy ako sa pagsulat nito.
i didn't know that one of the oldest adage has its own fine print :)
tama! honesty is the best policy; timing is the key.
@Anonymous, thanks. we could discover a lot from the old ones, u know. hehehe
@odin hood. ang galing ng pagka-phrase ah. may rythm. hehehe
Post a Comment