Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    11 years ago
 

Monday, March 28, 2011

Allegory of the Sugarcane

“Master, talk to us about romance“. He asked. “I could not talk about something that I’m not, my apprentice. Haven’t you heard? I am tagged with a moniker ‘man of stone’.” I replied. “But Master, how could you survive a long relationship if you are not romantic?” He asked again. “My Apprentice, romance does not make a relationship.” I said. “Can you please elaborate on that, Master?” The apprentice requested.

Mukhang natututo na itong apprentice ko ah. Marunong ng mag-please. Dapat lang dahil kung hindi, gagawin ko siyang bangaw. “Sige, maupo ka diyan sa aking harap.” Ayokong tumabi sa akin si apprentice. Masyadong sensitibo ang aming pag-uusapan baka ma-carried away na naman ito.

“Do you know what sugarcane is?” I asked my apprentice. “Ahhhh, master dib a iyan ang tubo?” Tanong niya. “Hindi tuuu-bo, kundi tu-bo.” Itinama ko ang pagbanggit sa salita. “Umiiba ang kahulugan niyan ayon sa pagbigkas mo.” Dagdag ko. “Opo Master. Di ba tubero ang tawag sa umaayos sa tuuu-bo, at sat u-bo naman, manunuuubo.” Ngumiti ang aking apprentice. Hindi ko na siya pinansin dahil umiiral na naman ang kalikutan ng isip niya. “Itutuloy ba natin to o hindi?’ Tanong ko. “Oo naman, Master.” Sabay ayos ng kanyang harapan. Sinimulan ko na ang pagkukuwento.

Alam natin na ang asukal ay gawa sa tu-bo di ba? Kaya ibig sabihin matamis ang tu-bo. Pero ito ay hindi laging matamis. Kapag kinakain natin ito at sisipsipin, darating ang oras na mawawala na ang katas nito na pinanggagalingan ng tamis. Kapag mawala na ang tamis, ito ay tinatapon na. Kung ihalintulad natin ang isang pagmamahalan sa isang matamis na tu-bo, ito ay maging panandalian lamang. Paano na lang kung mawala na ang tamis nito? Basta-basta na lang ba natin isawalang bahala ito at itatapon sa basurahan?

“Kaya siguro di kayo sweet master dahil ayaw ninyong masanay ang partner ninyo. Pag nasanay kasi baka kung anong sabihin niya pag biglang dumating ang araw na di na ninyo maipapakita ang sweetness na iyan.” Buong panunuri na banggit ni Apprentice. “Pero Master, paano kayo tumagal ng sampung taon?”

Sa simula pa lang sinabi na naming sa isa’t isa kung ano ang gusto namin. Wala kaming itinatago, lahat ipinapaalam namin sa isa’t isa kahit pa man iyung mga bagay na sa mata ng ibang tao ay hindi karaniwang ginagawa. Mas maganda na maliwanag sa simula pa lang. Hindi iyung magbibigay kayo ng ga pangako na hindi naman masusunod sa kalaunan. Para bang sugar-coating lang. Maganda, matamis ang simulain pagkatapos mahahantong lamang sa isang panglilinlang. Katulad na lang ng mga nag-aasawa o nag-iisip mag-asawa dahil kailangan lang. Para lang isang tu-bo na sa simula lang ang init at tamis ng pangako pero darating din ang oras na ito’y manlalamig at mananabang.

“Ang pangit pala maging role model ang tu-bo, Master. Puro para panlilinlang ang ginagawa. Alam na alam ng di mapapanindigan ang kanyang katamisan pero tuloy-tuloy pa rin. Sana di na lang itinuloy ang relasyon kasi alam din naman kung saan hahantong. Bilib talaga ako sa iyo, Master.” Nakangiting banggit ni Apprentice. Nararamdaman ko ang pag-iba ng ihip ng hangin. “Master, puwede bang magkuwento naman kayo tungkol sa tuuu-bo ninyo? Este, sa tuuu-bo pala.”

“My Apprentice, once again you disappoint me. You language is getting abominable again.” I stoop up staring at him.

“Master, iyung tuuu-bo po ninyo, nakatutok sa aking mukha.”

2 comments:

Mr. G said...

nangiti tuloy ako! LOL!

Anonymous said...

un number ba ni master naka-display din sa poste ng meralco? hehehe

nakita kta sa isang site kagabi, ask sana kta to go out today to see a movie, kaso bigla akong najahe hehehe

- andrew (androgyny077)

 


Labels


Followers