Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    4 years ago
 

Wednesday, July 27, 2011

astig sa astig - attraction

no impressions last, ika nga. habang tumatagal mong kasama ang isang tao, meron at meron ka talagang makikita sa kanyang pagkatao na maging sanhi ng pagkaudlot o pagpagpapatuloy ng isang impression. kapag nadadagdagan ang paghanga mo sa isang tao, ang impression na ito ay nagiging attraction.

sa malayo pa lang, nakita ko na si maxim. siyang siya sa mga litrato na aking nakikita sa kanyang blog. dumiretso ako sa kanyang kinauupuan at nagpakilala. "maxim?" aniya ko. tumingin siya sa akin at ngumiti. hooooopppss. ano iyun? turn-off yata. kunsabagay di naman lahat namagandang katangian ay ibibigay sa iyo. di naman ako naghahanap ng pang close-up smile, kaso bakit ganoon ngipin niya? ngumiti na lamang ako at pinakilala ko si HB at jack. sana hindi siya bad breath.

kelangan na namin umalis kasi baka di kami umabot sa bus puntang ek. napag-usapan na namin ni HB ang arrangement. ako ang iintindi kay maxim dahil sa ako lang ang kakilala niya. para sa akin lang siya. hahaha. habang naglalakad kami, kuwentuhan. tinanong ko siya kung kumusta ang ensayo niya sa up. ako naman ang akala ko ay ensayo lang sa takbo. iyun pala boksingero pala ang kumag. astig di ba? tumingin ako sa shorts niya. pekpek shorts? natawa ako at sinabi ko sa kanya kung bakit ako tumatawa. "tangena naman, di naman ito pekpek shorts eh." pero ang totoo, naturn-on ako sa legs niya. lean at walang balahibo. doon pa lang, kumislot na ang burat ko.

si maxim, kahit na nagmumura kapag kinakausap ay di ka mao-offend. kasi meron siyang twitch sa bibig pag nagmumura na nagpapacharming yata. kung tutuusin, malumanay siya magsalita. hindi siya maarte. dapat lang kasi hindi babagay sa kanya iyun. bukambibig niya ang "kaya ko". kaya sinabi kong doon na lang sumakay sa leveriza dahil sobrang mahal naman iyung pamasahe doon sa intercon. threefold ang pamasahe sa regular. magkatabi kami sa bus papuntang terminal. kuwentuhan ulit. madaldal siya pero ako nakiramdam lang.

aircon ang bus papuntang ek. sinabi ko kay maxim na ginawin ako. siya din daw. ginawa namin, ipinihit namin ang labasan ng aircon palayo. tinakpan pa namin ng kurtina. sabi ko baka mga isang oras din ang biyahe. tanghali na rin iyun kaya medyo unholy hour. dinadapuan na ako ng antok kaso sayang naman ang pagkakataon na magkatabi kami at nandoon sa kabilang aisle si HB at jack. kaya minabuti ko na na magkuwentuhan kami.

marami kaming napagkuwentuhan. mula sa pagiging blogger, pumunta kami sa mga dati niyang trabaho, tungkol sa pamilya, hanggang sa mga taong na meet niya. napag-alaman ko na wala pa siya gaanong karanasan sa m2m relationship lalo na sa sex. last time daw niya na sex ay higit na taon na ang nakaraan. siempre, duda ako. sa porma niya na iyun kaunti lang experience niya? habang nag-uusap kami, meron lagi siyang nababanggit. iyun ay iyung malaki niya yagbols. di ko alam kung may fetish siya doon pero hinahayaan ko lang. nagiging daring na din ang usapan namin pero walang landian sa pagitan namin. iyun ang gusto naming isipin, pero...

sa buong araw na kami ay magkatabi, sa bus man at sa mga rides, nararamdaman ko ang kakaibang pagdikit niya sa akin. kung tutuusin, parati niyang ikinikiskis ang braso niya sa akin. di siya nahihiyang dumikit ang aming mga braso kahit na iyung mga hita. kahit pa man na sinasabi ko na wholesome ako, di ko mapigilan ang pagtitig sa at pagdikit ng aming mga hita. sa panig ko, gusto ko siyang akitin. di ko maalala kung nasabi ko sa kanya na mahilig ako sa makikinis na legs pero ano pa man, parang tila nang-aakit siya sa tuwing ibinababa niya ang shorts niya para takpan ang buong hita niya. "wala akong brief." sabi pa niya. naisip ko, ako si trip. hindi ako ang bumibigay sa labanang ito. pero pinapaalala ko lagi na hindi ako gagawa ng hakbang para akitin siya. makikiramdam lang ako.

noong sumakay kami sa ferris wheel, may ginawa siyang pinaka indikasyon sa kanyang pang-aakit. pinakita niya ang pagkambiyo niya sa tabi ko. tinanong ko siya, "siniseduce mo ba ako?" hindi siya umimik.

umuwi lang kami noong nagsara ang ek. umulan kasi noon kaya di rin kami masyado nakasakay sa mga rides. sa bus, doon kami umupo sa pinakadulo ng bus. kung nagkataon na umupo siya sa window seat, naisip ko na kokornerin siya at ipagawa ang kanina pa niyang gustong gawin. mabuti na lang at sa gitna siya umupo. at nagkataon din na nauntog ako at dumugo ang aking ulo. kaya ayun, doon natutok ang pansin namin.

my sop (standard operating procedure) with regards to first meetings is just to observe. wag muna. hindi naman ako hayok sa kamunduhan. kung talagang may attraction at pagnanasa, sa susunod na lang na pagkikita. but i am always ready. if ever it could not really be avoided, then proceed.

i know there is an attraction between us. it is very obvious on how we behave today. yet attraction doesn't need to be translated into sexual attraction. it could be just friends and he is well aware of my status. yet he is also aware of my principles and if ever he chooses to proceed to a more intimate relation than friendship, then he is already forewarned that there would be no emotional attachment.

4 comments:

Bruce Kho said...

once again great series of stories trip. what bothers me a bit is that observant and detailed as you are, you seem to forget some minor things like whether you told him of your fetish for 'makinis na legs' or how you two got around to exchanging numbers. you observed and you didnt initiate. and youre testing this guy's astig-ness. could it be that you 'forgot these minor details' to preserve your being astig? i cant help but wonder:)

Trip said...

first of all, thanks. :)

as for the wonderment (hehehe), no need because if u read the seduction installment it is clear that i have told maxim my fetish. as for how we got to exchange numbers, there's really no need to detail it in the series. and ... i do initiate. how could my exploits get to happen if i dont? u see, initiating doesnt have to be direct and it is even irrelevant to determine who initiates first beacuse this could be just a case of the egg and the chicken. what is more important, u have a goal and u go achieving it. :)

Bruce Kho said...

i always appreciate you replying to comments. read your most recent post even before i commented on this entry. m just nitpicking. :D keep your stories coming. i truly enjoy reading them :D

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

 

Labels

Followers