Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    11 years ago
 

Thursday, July 28, 2011

astig sa astig - seduction

ang astig ay dapat malakas ang loob sa pagsabi, pagpapakita o pang-akit na gusto niya ang isang tao. di siya nahihiya o natatakot sa posibleng kahihiyan na idudulot ng kanyang kapangahasan dahilan sa alam niya kung paano itatrato ang ganoong sitwasyon, at higit sa lahat, ang astig ay laging nakahanda sa mga ibubunga ng kanyang mga ikinikilos o ginagawa.

tama nga ako. may attraction din si maxim sa akin. inaakala ko noon na di na siya ulit magpaparamdam dahil sa hindi ko pinatulan ang mga pang-aakit niya. pero nang sumunod na araw ay lagi ko na siya ka-text. isa sa mga text niya, "ang sarap mong kakiskisan ng braso. nahalata mo ba na lagi akong dumidikit sa iyo?" tama nga ako. may gustong ipahiwatig ang mga kilos ni maxim. "ako pa. walang nakakalusot sa akin. di lang kita masyadong pinatulan kasi unang meeting pa lamang natin. pinapakiramdaman lang muna kita noon." sabi ko.

"eh di mo nga ako type eh. sabi mo, di ako pasado sa iyo." sabi ni maxim. "sino me sabi sa iyo?" tanong ko. "tanga! ikaw kaya noong magkatabi tayo sa bus. tinanong kita tapos sabi mo, hindi ako pasado." natawa ako. lumabas na ang palamurang maxim. hindi ako nagpasindak sa kanya. "tarantadong to! marunong ka bang tumingin kung saang konteksto ko sinabi iyun?" marunong din ako magmura kahit papaano. "ininvite pa nga kita na doon sa bahay matulog eh sabihin mo na di ka pasado." "oo nga, gusto ko sana pumayag kaso nandoon si HB. diyahe." sagot niya.

naalala ko noon. sabi niya na tinanong daw siya ng isang blogger kung naglalandian kami sa text. sinabi daw niya na hindi. hindi na ako umimik noon pero ang alam ko lagi niya sinasabi sa text niya na pinagjajakulan niya ang picture ko. siyempre di ko naman alam kung totoo iyun kaya pag sinasabi niya yun di ko na pinapansin. ayoko kasing mag-assume. ito siguro ang dahilan kung bakit di niya inamin na naglalandian kami. di ko naman kasi pinapatulan eh. pero aminado ako na nakakapagpataas ng ego iyun, at ng ... alam niyo na iyun.

sa ngayon, masyado na kaming open sa pakipaglandian. nagkita na kami. nagkaalaman na na meron kaming attraction sa isa't isa. alam naman namin ang mga pangkasalukuyang sitwasyon namin. at saka landian lang iyun. hindi pa namin alam kung maisasakatuparan namin iyun. medyo may kalayuan din kasi siya at busy sa trabaho kaya hanggang text text lang.

"papa coach, kamusta?" hahaha. nagulat ako doon sa pambungad niya sa text. di ako sigurado kung paano mag-react kaya di ko na lang pinansin. ano ba iyang "papa" na iyan? parang negative ang dating sa akin pero sige lang, walang basagan ng trip. "oks lang. musta naman ang emo hunk?" tanong ko pabalik. "putang ina hindi ako emo!" tinawag ko siyang emo dahil sa mga kantang kinakanta niya noong nasa bus kami. iyung mga kantang tipong ballad at pambabae pa. turn off. astig ba iyun? hahaha. "babasagin ko yagbols mo pag tinawag mo ako ulit ng emo. hahaha." halatang di siya seryoso sa sinabi niya. nagpapacute lang yata. hehehe.

laging nagsisimula sa mga kaaya-ayang kumustahan, tapos murahan, tapos landian na ulit. "may takbo ako sa linggo. doon ako matutulog sa pinsan ko." aniya minsan ni maxim. "ayaw mo matulog sa tabi ko?" sabi ko naman. "ayoko! ang bastos mo!" pagtatanggi niya. "eh gusto mo naman na binabastos, di ba?" tanong ko. "oo naman lalo na pag masarap ang katabi. hahaha." sagot niya. "didilaan mo ba legs ko?" tanong ni maxim. nalaman ni maxim kung gaano ko ka-trip ang legs niya kaya lagi kong sinasabi na huwag niya ipakita sa akin iyun at marireyp ko siya. "di lang iyan ang mararanasan mo. hahaha." sabi ko.

lantarang pang-aakit. seduction. temptation. pareho kaming mataas ang libido. hindi nakapagtataka na mangyayari ang anumang napapag-usapan. kaakit-akit ang nakabadyang muling pagkikita. pero hanggang saan ang tapang namin para maisakatuparan ang mga pangungusap na nanggagaling sa kaibuturang pagnanasa. hindi ko alam. sa ngayon, hanggang dito na lang muna.

1 comments:

ACRYLIQUE said...

Awww. Pangahas! :)

 


Labels


Followers