Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    11 years ago
 

Tuesday, July 26, 2011

astig sa astig - impression

bukambibig ang astig na salita. minsan ginagamit natin ito na pamalit sa mga salitang sa palagay natin alanganin kung sasabihin natin. halimbawa, discreet tayo, barakong barako ang dating. pag may makita tayong pogi o guwapo, kayanin ba nating sabihin iyun lalo na pag may kasama tayong straight o taong hindi nakakaalam sa pagiging bakla natin? hindi, di ba? kaya sabihin natin, "wow, astig iyun ah." kaya kung sino man ang makarinig sa atin, hindi alam kung ano talaga ang tinutukoy natin.

"na-meet ko na siya. astig iyun." sabi ng isa kong kaibigan. "bakit mo nasabi na astig siya?" tanong ko naman. so nagbigay siya ng mga katangian. pero sa ahat ng mga sinabi niya, iisa lang ang nagtanim sa utak ko. "mura ng mura siya." huh? tanong ko sa aking sarili. isang batayan na ba ang pagmumura para sabihin na astig ang isang tao? kunsabagay, punta ka ng squatter's area na kung saan lahat na yata ng nakatira doon ay matatapang, ano ang pinakakaraniwan na ugali nila? siempre ang pagmumura. siguro ang unang salita na malalaman ng isang bata doon ay ang "putang ina".

ang taong tinutukoy ng aking kaibigan ay si maxim. (di na naman tunay na pangalan, siempre.) di ba astig? sino bang matinong lalake ang magpapangalan sa sarili niya ng pangalang babae. wala. kaya doon pa lang astig na. hehehe. nakita ko na picture niya sa blog niya. kalbo, payat, matangkad, maitim, laging nakahubad kahit di pa ganoon kalaki ang mga muscles, probinsiyano, construction worker. saan ka pa? astig na astig. kaso picture pa lang nakikita ko. mukhang matapang, kaso, asal matapang din kaya? baka pag makita kami, lalambot-lambot din. kaya dapat asal astig din.

paano ba kami nagkapalitan ng number? ako ba ang humingi? siya ba? sa tinagal tagal na din naming magkatext ay di ko na maalala. pero sa aming pagtitext, ni minsan man ay di ito nahahaluan ng kalandian. oo at napag-usapan namin ang kalandian namin pero di humantong iyun na nilalandi namin ang isa't isa. siguro nag-iingat lang kami sa isat isa kasi di pa naman kami nagmimeet kaya ang parati naming napag-uusapan ay iyung tungkol sa aming mga hobby. gym at running. parati din niya nababanggit ang paborito niyang sport. ang basketball. di ba astig? hehehe.

maraming buwan din bago napag-isipan ko na siguro oras na para kami magkita at nagkaroon ng pagkakataon na iyun ay mangyayari dahil sa nagkaroon kami ng mga libreng tiket sa enchanted kingdom. marami akong niyaya pero pawang may mga lakad ang mga niyayaya ko. isang araw bago ang pagpunta sa EK, naalala ko siya. noong una, nagdadalawang isip ako kung papayag siya. mabuti naman at hindi siya tumanggi.

maliwanag ako sa aking imbitasyon. tiket lang ang libre. iyung pamasahe at pagkain, hindi. hindi din ako libre. (dagdag ko lang iyan. hahaha.) tinanong niya ako kung magkano ang pamasahe. sinabi ko naman. "sige, magpapaalam lang ako sa tatay ko. text kita." hindi naman ako naghintay ng matagal. ang next na text niya ay puno na ng excitement. tinatanong kung ano ang dapat isusuot. sabi niya baka magsoshort lang siya dahil may ensayo daw siya sa UP. sabi ko naman, ok lang kasi magsoshort di naman ako.

araw ng EK. nagtitext kami kung ano ang suot namin at kung anong kulay. sabi namin na doon kami magkikita sa KFC sa MRT Ayala Station. naka-cap daw siya at puting t-shirt at doon siya nakaupo malapit sa washing area. medyo late kami ni HB. iyung kasama namin na isa pa ay nauna na din sa KFC. tinanong namin siya kung meron siyang napansin na tulad ng description ni maxim. sabi niya oo daw. "maganda" ang description ng kaibigan namin.

alam ko na kung ano ibig sabihin ng maganda sa kaibigan namin. ibig sabihin "desirable". sa akin naman, alam ko na iyun kasi nakita ko na si maxim sa mga pictures niya sa internet. "puwede"! pero malaki pa rin ang katanungan sa kanyang asal at ugali. talaga bang astig siya sa kabuuan?

meron akong standards sa tao kagaya nating lahat at ito ay paiba-iba ayun sa ating sariling mga karakter. makikilala ko na ng husto si maxim. ang magandang impression ko sa kanya noong una ko siyang makita at makatext ay posibeng madagdagan o mababawasan pagkatapos ng araw na ito. ako ay magmamasid lamang. makikiramdam. kung ano man ang gagawin niya, hahayaan ko siyang ipakita at ipadama iyun. tapos na ang pagpapa-impress. totohanan na ito. siya ba ay tunay na astig na posibleng makakatapat ko?

4 comments:

Dabo said...

astig diba is coined from "tigas"

Trip said...

yup yup yup. i mentioned that in my previous post. ;)

zeke said...

nice, makakatapat, sabihin mo kung "pwede" ba siya.

Mugen said...

"pero sa ahat ng mga sinabi niya, iisa lang ang nagtanim sa utak ko. "mura ng mura siya." huh? tanong ko sa aking sarili. isang batayan na ba ang pagmumura para sabihin na astig ang isang tao?"

Powtah kah! Mura yun diba kuya trip? hahahahaha.

Mukhang kilala ko kung sino yang si Maxim.

 


Labels


Followers