Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    11 years ago
 

Thursday, July 21, 2011

astig sa astig - prologue

"pare, ayoko sa effem. ayoko sa chubbie. top to top lang. astig sa astig lang." sabi ng isa naming kalaro sa badminton. tiningnan namin siya at napasalubong ang aming mga kilay. nagtawanan lahat. putang ina, kung magsalita ito akalain mo isang barako o kargador sa pier 2. eh kulang na lang humawak ng suklay at gunting ay isa na siyang parloristang baklang maturingan.

siya si myk. hindi niya totoong pangalan (as usual). pero kung tutuusin kahit gamitin ko ang tunay niyang pangalan ay baka matuwa pa siya dahil magiging bida siya dito sa blog ko. kaso, pag ginamit ko pangalan niya baka ma-intriga na naman ako at sabihin nagpaparinig ako. kaya para iwas sakit, mag vitamin c na lang. hahaha. oo, si myk ay isang effem pero magulat ka kung tingnan mo siya sa malayo. astig. basta huwag lang siya sumubo ng chupachup. hahaha. kaya laking gulat namin ng marinig namin ang mga salitang iyun. naging katuwaan na namin tuloy ang mga salitang ito sa tuwing nagkikita kami.

astig. isang anachronism sa salitang tigas. puwedeng gamitin ang salitang ito sa kahit ano o sino na nakakapagbigay mangha. maganda, magaling, malakas, matikas at marami pang ibang positibo na katangian ang puwede ihaintulad dito. at sa konteksto ng paggamit ni myk, ito ay pantukoy sa mga baklang hindi halata. at kung tatanungin kami kung astig nga siya, oo nga astig siya. siya na ang pinaka-astig na effem. hehehe.

bukas sa lahat ang badminton group namin. wala kaming pinipili. meron kaming kalaro na straight na lalake at babae. may payat. may mataba. merong effem pero mas marami ang di halata. kung may bagong kalaro di na namin tinatanong kung straight o hindi. irrelevant naman kasi iyun. ang layunin ng bawat isa ay makipaglaro at hindi makipagdaldalan tungkol sa love o sex kaya ok lang. walang diskriminasyon. iyun ang astig.

dahil sa halo-halo ang mga kalaro, di rin maiiwasan na meron kaming ma-invite na makipaglaro pero di na ito nasusundan. ang rason, dahil may mga effem na mga kasama o di kaya wala silang mapagtripan at kung meron man ay meron na itong partner o di kaya straight. nakakadismaya. ayoko maging ipokrito pero minsan na rin akong iwas na iwas sa mga effem. kasi nga sila ang stereotype na nakikita sa parlor. maiingay at taklesa. pero lately, nabago ang pagtingin ko. simple lang naman ang makipag-deal sa kanila. treat them right, and they'll do the same. respect them, they'll respect you. kaya ako di na ako takot sa kanila. at kung sasabihin nila na siguro bakla din ako dahil sa mga effem na kasama ko, pakialam ko. kung astig ka talaga, kahit saan ka ilagay at kahit sino ang kasama mo, lulutang pa rin ang pagiging astig mo. iyun ang astig.

ang astig ay walang kinatatakutan. walang pag-aalinlangan. walang insecurities. sila ang di nagpapanggap at nagtatago sa anino ng iba dahil ang pagiging astig ay nasa kalooban. it is a projection of the spirit from the inside of every person.

14 comments:

MkSurf8 said...

Korak ka dyan! ang astig confidence levels sa lahat ng mga ginagawa nya que se jodang kasama ang mga effem :)

pero marami akong kilala ayaw ma associate sa mga effems pero kung umasta e effemier-than-thou sa mga pinandidirihan nilang mga effem.

kalorka lang!

yummyjosh said...

astig! super like;o)

Anonymous said...

@MkSurf8, oo nga eh. pero wala naman tayong magawa. walang basagan ng trip, kumbaga. :)

@yummyjosh, at talagang nag "like" pa. ginawang facebook ang blog ko?. hahaha

yummyjosh said...

hahhaha! naman, ganda kaya ng blog mo kaya super like ko..now i knew something li'l bout u...;o)

Anonymous said...

@yummyjosh, salamat naman. explore mo na lang blog ko para dumami ang malalaman mo tungkol sa akin at dahil sa dami na, malilito ka na. hahaha

Seth said...

LOL anlaki ng problema ko jan sa pagiging "astig" na yan lalo na sa PR kasi di ako makitaan ng kahit patak ng kaastigan? wala akong bigote o balbas, wala akong piercing o tattoo, maputi at maamo mukha (paaaakkk !!!)

tambling na lang sila pag nakita nila ako LOL

Anonymous said...

@Seth. di problema iyan. di lahat ng plu astig ang hinahanap. meron talagang para sa isa't isa. hehehe

Mugen said...

Parang 4 years ago lang, iba pa ang world-view natin. Hehehe. Totoo nga, ang mga katulad natin ay nag-eevolve. :)

Chip said...

Natawa ako sa "top to top". Haha!

Trip said...

@Mugen, everything in this world changes so there's no reason that our views wont. :)

@Chip, nakakatawa nga pero it is possible. hehehe

odin hood said...

TM to TM!!! Hahahaha

Trip said...

@odin hood, globe to globe, sun to sun. mas mura. mas tipid. minsan libre pa. hahaha

red the mod said...

I think it's a matter of perspective. Maybe the lack of aversion to the stereotypes on your part stems from the fact that you are more liberated, thus more exposed to the spectrum, as well as compared to others you have the capacity to differentiate genuine friendships from mere potential lays. There is no moratorium of friendships, and I think there should be no reason why two guys, despite their similar preferences, should be discouraged from being friends. Just because one is gay doesn't mean he'll boink any guy at every opportunity he gets.

As for those who are uncomfortable with the rest of the spectrum, I agree, it is a reflection of how uncomfortable and insecure they are of themselves.

By the way, nami-miss ko na mag-badminton.

Trip said...

@red the mod, long time no hear. :) badminton schedule is still the same. we even have saturday mornings. hehehe. the group is getting bigger. last time we're 16.

btw, i emailed u my mobile number. did u receive it?

 


Labels


Followers