Below is the link to the latest entry on Just for the Trip,
now on its third season.

Just for the Trip : S3

  • Sex and Politics - Sorry guys but I need to put things in perspective when I am within the confines of my blog. I will be talking about political issues on a blog with sex a...
    4 years ago
 

Friday, April 23, 2010

Of Mice and Cats

“Mahirap paniwalaan na walang kalibugang nangyayari sa isang bahay ng mga malilibog.”

“When the cat is away, the mice will play.”  Iyun ang sabi nila kaso iyung isang mouse pala ang wala, nagbakasyon.  Paano sila makakapaglaro niyan?  Mag-iinvite na lang ba ng ibang mouse iyung naiwan?  Kailangan ba talagang maglaro?  Eh meron pa namang pusa ah.  Hindi lang iisa kundi tatlo pa.  Kung makikipaglaro ang mouse lagot siya tiyak.  Kaibiganin ba niya ang mga pusa at isali na lang sa laro?  Hmmmm…

Pagkalipas ng tatlong araw at ang isang mouse ay bumalik, kinumusta niya iyung naiwang mouse kung anong nangyari habang wala siya.  Sinabi ng naiwang mouse na nag-swimming siya noong biernes.  Noong sabado naman kasama niya iyung dalawa niyang kaibigang mouse na pumunta ng Quiapo para magpa-ayos ng camera.  Pagkatapos noon, nag photoshoot sa Luneta hanggang gabi.  Pagkatapos, umuwi sila ng bahay at doon kumain ng natirang karne na inorder nila sa isang Chinese Restaurant sa Binondo.  Nang mabusog at inantok, minabuti noong isang kaibigang mouse na umuwi habang ang isa naman ay nagpaiwan para doon matulog.  Nagpasama kasi iyung bidang mouse na tumakbo kinabukasan.  Noong linggo, na late sa paggising ang dalawang mouse kaya na late din sila sa takbo.

“Kumusta naman?  Wala bang nangyari sa inyo?”  Tanong ng nagbakasyon na mouse.  Diretsahan siyang sinagot na wala kasi may takbo daw kinabukasan.  Mahirap ang puyat kung merong takbo, sabi ng bidang mouse.  Napangisi ang nagbakasyon na mouse.  “Kaya nga kayo nalate dahil may nangyari.”  Dugtong niya.  Tumawa na lang ang bidang mouse at sinabing, “Wala talaga.”

Naisip ang bidang mouse, paano nga kaya kung walang takbo, may mangyayari kaya sa kanila ng pinatulog niyang kaibigang mouse doon?  Ayaw naman niya magmalinis pero kung may oportunidad alam niyang posibleng mangyari iyun.  Inaamin naman kasi niya na malibog siya pero meron naman daw siyang disiplina lalo na sa isports.  Mas addict kasi siya sa sports kesa sa sex.

“Eh iyung mga pusa sa bahay, kumusta naman?”  Tanong ng nagbakasyon na mouse.  “Ok naman sila.  Noong biyernes nakikita ko silang naglalaro habang nanonood ng TV.  Iyung isa lasing kaya naghaharutan silang dalawa habang ako ay nakaupo lamang sa isang tabi.  Hinahayaan ko lang sila.”  Aniya ng bidang mouse.  “Di ka ba sumali sa laro nila?”  Dagdag na tanong ng nagbakasyong mouse.  “Hindi na.  Three is a crowd.”  Sambit ng bidang mouse at tumawa ng malakas.

“Mahirap paniwalaan na walang kalibugang nangyayari sa isang bahay ng mga malilibog.”  Banat ng nagbakasyon na mouse.  Posibleng totoo pero magkasama din naman sila sa iisang bahay ah.  Tumahimik na lang ang bidang mouse at tumawa na lamang.

0 comments:

 

Labels

Followers